Gusto ko yung idea ng minsan titingin ka na lang sa kalawakan pag may problem ka, don mo lang na-appreciate kung gano pala ka-peaceful yung feeling pag tinititigan yung mga stars, tapos kahit mag isa ka, bigla dadali sa isip mo na… Somewhere at that exact moment, meron ding tao na nakatingin sa kalawakan.. Katulad mo, they feel alone.. Pero dahil sa thought mo na yun, para ka na ring nagkaron ng kasama.
10 months na nakalipas. Hindi na ako umiiyak gabi-gabi. Hindi na ako malungkot. Hindi na kita hinahanap-hanap. Hindi na kita laging stino-stalk sa FB. Pero hindi ibig sabihin, hindi na kita naaalala. Ganon pala yon, nagiging okay din pala talaga no. Yung mga sinabi ko dati na “Hindi ko kaya”… Tokshit lang pala yon. Pero napapaisip pa din ako, ako kaya naaalala mo? Nag birthday kasi ako… Hindi mo ko ginreet. Malamang, iba na number ko. Wala na tayong koneksyon. Kundi yung memories… Pero yun lang, nung May 20, pumasok kaya sa isip mo na… “Ay birthday na ni Kae bukas”.
Inopen ko ulit yung lumang tumblr ko. Nasa 200+ yung followers. Alam ko sa iba konti pa yon, pero sakin.. Madami na yon. Kaya nga gumawa ako nito e. Ayoko lang nung kakilala ko personally yung nagfa-follow sakin. Hindi naman sa may tinatago ako o ano, minsan kasi tingin ko… Hindi naman nila deserve malaman.
Ngayon ko lang na-realize na… Ang tanga ko lang bat sa Twitter ako mas nagke-kwento, e may Tumblr naman ako?
Ewan ko ba. Feeling ko kasi sa Twitter, mas hindi napapansin yung post eh. Mostly kasi, ang fina-follow sa twitter.. Artista dba? (Tho hindi ako ganon) Kaya tingin ko, pag di artista nag post.. Hindi na binabasa. Isa pa, gusto ko din kasi yung effect na.. Pagbukas mo ng tumblr.. Panay pictures. Yung ang mysterious ng effect. Walang sinasabi tungkol sa sarili pero dahil sa mga pictures na nasa tumblr niya, parang nakikilala mo siya. Ah ewan walang kwenta sinasabi ko.
I know that you’re trying to make a point but you curse as much as you blink.
Nakakatuwa yung mga nagmamay-ari nung mga blogs na may mahahabang text post pero kakaunti ang notes, kakaunti ang followers at kakaunti ang mga nagbabasa. Pero wala silang pakialam na kahit ganun, mangilan-ngilan nalang yung mga taong mahal talaga ang pagsusulat at wala silang pakialam kung…
You know that moment when you’re reading a book and you just have to stop and bite your lip and squeal or sigh or close your eyes and wrinkle your nose and forehead and press the book against your heart and just like sit there and try to soak up the gorgeous literature via osmosis?
That’s my favorite part of reading.
(Source: tommyshawsboots)
